02 February 2009
ty RoXXXanne
Muli ko lng babalikan ang Roxxxanne; ang naging comeback movie ko, matapos mawala ng halos 2 taon dahil sa health issues.
Isang taon na today mula ng ipalabas noon FEB 2, 2008 ang indie film na to sa theatre.
Sobrang thankful ako kay Direk Jun Lana dahil sakin parin binigay ang role na MaryGrace (liberated na bestfriend ng bida, na noon ay si Katrina Halili, na naging si Sheree).
Kinabahan ako na excited ng ipatawag kmi for workshop daw, meeting sa place ni Regine Tolentino. Pansin ko lang iba yun mga artista, dati kasi si Luis Alandy, Paolo Paraiso, Inday Garutay, Katrina Halili etc. Naiilang nga ako at sympre tumaba ang lola mo tapos sexy ang role hehe. Pagdating ko nakita ko si Jay Acquitana, isang hunk ( si janvier daily, dun ko lng nakilala) Sheree at Gian Magdangal, naisip ko nga nun ano role ni Gian ksi sbi nun kasama ko nun eh singer daw yun, tinanong ko pa ata si Omar, natawa sya haha bf pala ni Sheree. Nagreading lng kmi tapos ok na, kabado pa nman ako kay direk ksi baka nangalawang na acting ko hehe. Pero di ko malimutan may nakatingin sakin, parang ngtataka siguro naisip nya, sino ba to? artista ba to? prang di ko kilala? ayun salamat pinakilala ako ni Omar, one of the producers pala iyon. si Tita Malou.
Masaya sa taping, magaan talaga katrabaho si direk Jun Lana, sasabihin nya sayo ang gusto nya mgyari sa eksena tapos un go na. Hindi naman ako nahirapan, pero mejo nailang sa sexy and funny scene namin ni Jay. Ok lahat katrabaho,artista, production, staff and crew, basta lahat ok.
Cast party was so ok din, Mel Soriano was there na super down to earth. Si Sheree eh mejo busy sa bf kaya sayaw sayaw lng kmi. Tamang inom lang kmi lahat.
The Special Preview of Roxxxanne was so memorable for me. Sinabi ni Omar, agahan ko dahil may press at darating ang 24 Oras. Sympre comeback film to ng lola kahit supporting eh atleast eh ma mention man lng ulit ang name ko sa tv. Kaso eto na, manggagaling ako sa Bulacan, ako ready na pero ang bf wala pa, galing pa school at nun dumating, ngpalit ako ng shoes dahil masakit sa paa. Paglabas ko ng house umalis ngpaGAS pala, antay ako ng antay, bigla ngtext nsa GAS station daw sya pagbukas sa susian, naputol susi. Goodluck diba? 10yrs wla pa, tinawagan nya pa dad nya at naghanap ng spare key. So ayun late na ako. Wala tuloy ako sa news haha..
Ang daming tao, maraming press, maraming taga gma7. Yun iba ngtanong kamusta, kasali ba daw ako , yung iba nakatingin lng yung iba deadma. Pero ako super kinakabahan kasi manonood ang bf ko haha.. Ayun, sobrang di ko akalain na marami ang magrereact sa mga eksena na nandun ako. Kya nun matapos di ko akalain marami ang natuwa sakin, yun mga deadma namansin na. Tapos bago kami pumunta ng Warehouse Makati. May lumapit sakin, kinamusta nya ako, alam ko kilala ko sya pero di ko matandaan, ang tagal ko na kasi wla sa showbiz, tinanong nya ko kung naalala ko sya, sbi ko opo sa muka pero di ko matandaan saan kmi nagkakilala. EP pala sya ng GMA7, minsan nya ako na guest sa mga show nya. Kinuwento ko sa kanya bakit ako biglang nawala at kasabay ng di pagkakatapos ng Album ko sa Dyna, kababalik ko lng ulit sa showbiz at sana matulungan nya ako makabalik sa tv kahit ano role.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
miss hanni san makakbili ng cd ng roxxxanne? ty
Post a Comment